Tuyong Comfort Food

Kapag “comfort food” ang pinag-uusapan, agad-agad pumapasok sa isip natin ang masasabaw na pagkain, mga nakapagpapainit sa tiyan at damdamin. Sinigang na Baboy. Champorado. Nilagang Baka. Oh yeah. Ang tuyo ba na ulam ay pwede rin ba maging “comfort food”? Oo naman. Para sa akin, isa na rito ang Giniling na Karne ng Baka na may Itlog ng Pugo (Ground Beef with Quail Eggs).
Luto ito ng asawa ko. Laging masarap ang kanyang timpla sa karne. Alam ko ang mga sangkap ng potahe na ito, pero hindi ko makuha ang kanyang timpla. Mas masarap talaga magluto asawa ko sa akin!
Maaari niyo itong gawing masmakulay sa pamamagitan ng pagdagdag ng iba’t ibang gulay — sitaw, mais, karot, etc. Pero okay na ako sa ganitong luto — sibuyas, bawang, itlog ng pugo, bakang na-”marinade” sa toyo/liquid seasoning, asin, paminta. Simpleng-simple lang ang ulam na ito pero mayaman sa linamnam!
At kahit tuyo, napaiinit din niya ang aking tiyan at damdamin. “Comfort food” nga eh! Sana’y makapagluto ulit ang asawa ko nito. Nagutom ako sa pagtingin ulit sa litrato eh.

Ito ang aking kontribusyon sa Litratong Pinoy ngayong linggo. Ang tema ay: “Tuyo” (Dry).
July 16th, 2009 at 9:10 am
Nakakatakam naman. Mas talented nga raw talaga ang mga lalaki sa kusina. Ewan lang kung papayag ang mga kababaihan.
Eto ang aking tuyong comfort food din ngayong Hwebes: http://www.maureenflores.com/2009/07/litratong-pinoy-tuyo-dry.html
.-= Mauie´s last blog ..Litratong Pinoy: Tuyo (Dry) =-.
July 16th, 2009 at 11:58 am
Bigla kong namiss ang quail eggs. Pwede rin ilagay sa adobo, tuna salad, etc. =)
July 16th, 2009 at 12:36 pm
ang sarap naman niyan!
mahilig ka palang mag picture ng pagkain, invite na rin kita sa Food Trip Friday Food Photo Meme.Madali lang, mag post ka lang ng kahit anong pagkain every friday.Thanks!
.-= Willa´s last blog ..LP#33:Tuyo (Dry) =-.
July 16th, 2009 at 1:24 pm
ang sarap naman! and it’s sooo sweet na pinaglutuan ka…
my hubby also cooks for me because i’m not much of a cook…LOL
.-= Zeee´s last blog ..TWTW: Road to Nowhere =-.
July 16th, 2009 at 1:30 pm
wow, mukhang masarap yan, magaya nga kaya lang bihira itlog ng pugo dito sa germany, bigla akong ginutom, suwerte mo naman sa hubby mo magaling magluto, nice shot
.-= an2nette´s last blog ..Litratong Pinoy- Basa (Dry) =-.
July 16th, 2009 at 2:18 pm
awww, ang sweet naman ni hubby mo
Mukhang masarap nga.
.-= julie´s last blog ..Tuyot na Tag-Init =-.
July 16th, 2009 at 3:18 pm
Cooked from the heart pa, o di ba? Alagang alaga kayo ni Timmy ng daddy nya, how sweet!
give me a plate of this with steamed rice, please?
.-= Thess´s last blog ..Tuyo (dry) L.P. 66 =-.
July 16th, 2009 at 4:32 pm
mukhang masarap nga yan! hay, nakakagutom
.-= iris´s last blog ..where art thou? [i vs p] =-.
July 16th, 2009 at 5:25 pm
Naalala ko asawa ko nang minsang pagprituhin ko ng hotdog. Hay natuyot ang pobreng hotdog…but he tried his best naman. Mukhang masarapa ang comfort food na ‘yan. Pwede bang makahingi ng recipe nito, hehe. sana di sikwet.
.-= Yami´s last blog ..Litratong Pinoy: Tuyo (Dry) =-.
July 16th, 2009 at 6:15 pm
parang ang sarap nyan!!!!
hehehe
Happy LP! Salamat sa bisita!
.-= arls´s last blog ..LP: Tuyo (Dry) =-.
July 16th, 2009 at 7:23 pm
‘kala ko nakakatuyo ng damdamin (hehe). mukhang masarap!
.-= luna miranda´s last blog ..Litratong Pinoy: tuyo [dry] =-.
July 16th, 2009 at 10:12 pm
Giniling ba yan? Favorite ko yan..waaah!
.-= ajay´s last blog ..Crabstick omelette bento =-.
July 16th, 2009 at 11:36 pm
hay, sarap namang lumibot sa LP ngayon. panay pagkain!
hehehe
at isa pa po ito sa masarap na lahok!! ^_^ masarap na comfort food nga po yan =)
.-= karmi´s last blog ..Q-tex =-.
July 17th, 2009 at 1:10 am
wow…this is one recipe i’d like to try. never tasted this.
July 17th, 2009 at 1:39 am
pwede pwede…extra rice na rin dito
Happy LP!!!!
.-= jeanny´s last blog ..A repost: (sing) If you look inside your heart =-.
July 17th, 2009 at 9:01 am
tagal ko nang hindi nakakakain ng itlog ng pugo. ang sarap-sarap ata ng pagkaluto ng asawa mo, nakakagutom ang litrato.
.-= Marites´s last blog ..Litratong Pinoy#59 Tuyo (Dry) =-.
July 17th, 2009 at 10:38 am
Uuy! You’re doing LP again! Good to have you back.
.-= Rico´s last blog ..LP016: Tuyo (Dry) =-.
July 17th, 2009 at 10:50 am
Mukhang masarap nga!
At ang sweet naman ni mister para ipagluto ka! Hinay hinay lang sa quail eggs at sobra daw ang cholesterol ng mga ito
Take care and God bless!
.-= Pinky´s last blog ..LP #66: Tuyo (Dry) =-.
July 17th, 2009 at 11:07 am
ang sarap naman nyan! hm, love love quail eggs!
.-= caryn´s last blog ..birthday giveaway =-.
July 18th, 2009 at 5:31 am
sa litrato pa lang ay mukha na syang masarap, Toni!
.-= iska´s last blog ..Tuyo =-.
July 19th, 2009 at 4:11 am
kakaibang food naman ang nakita ko ka-lp
ang bait din naman ni mister, mahilig magluto
hapi lp!
http://teystirol.com/2009/07/16/lp-tuyo
.-= teys´s last blog ..LP-Tuyo =-.
July 19th, 2009 at 11:47 am
we asre so lucky to have good cook hubbies!:) dko sure if nakatikim na ako nito, pero mukhang masarap:) magawa nga:) kapag nakakita ako ng quail eggs:)
.-= ces´s last blog ..Lasang Pinoy, Sundays : Crusty =-.