Jump to Content
Jump to Navigation



Pulang sabaw, wow wow wow!



Heto ang dalawa sa pinakapaborito kong sabaw. Mahuhulaan niyo ba ang mga pangalan nila?

Yummmmy...

Ang sabaw na ito ay nagmula sa Thailand. Ang ilang sangkap sa sabaw na ito ay lemongrass, galangal, sampaloc, sibuyas, cilantro, dayap, gata, at sili. Ang pulang kulay ay dulot ng chili paste. Sarrrrap. At oooh, anghang!

Red Soup

Ang ikalawang pulang sabaw ay dapat may tamang tamis at asim. Kapag binanggit ko ang tanging sangkap nito, mahuhulaan niyo na kaagad! Ang tampok na sangkap ay inuuri bilang prutas, pero mas maraming nakakakilala sa kanya bilang gulay. Kung talinghaga naman ang ating pag-uusapan, ang prutas o gulay na ito ay ginagamit sa paglarawan ng matandang babae o lalake na nagbibihis bata pa rin: “Isa s’yang nagmumurang _____.”

Nahulaan niyo ba ang mga pulang sabaw na ito? Tingnan natin! At hala, nagutom naman ako.


Ito ang aking lahok para sa Litratong Pinoy, na may temang PULA. Dalawin din ang ibang lahok sa Litratong Pinoy!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

36 Responses to “Pulang sabaw, wow wow wow!”

  1. somethingpurple Says:

    nahulaan ko :)
    tom yum at nagmumurang kamatis soup hee hee :)

    maligayang LP! wala pa rin akong lahok lol!

    somethingpurples last blog post..Litratong Pinoy #31 (1st post)

    Haha! Nagmumurang kamatis soup :D

  2. Em Dy Says:

    Mas gusto ko ang clear soup. Ayaw ko din ng maanghang. Peros igurado akong may kamatis yung pangalawa. Ha ha. Magandang Hwebes!

    Em Dys last blog post..Pagdating ng Panahon

    Ganun ba! :D Tama ang sagot sa pangalawa :)

  3. sheng Says:

    Whatever it is, mukhang masarap…I love shrimps talaga…

    shengs last blog post..My Baby is Now Three

    Tom yum ang una, tomato soup ang pangalawa :)

  4. dyanie Says:

    tomyum at kamatis! kakagutom! :)

    magandang huwebes! :)

    Korek ka dyan!

  5. iska Says:

    Tomyum soup at tomato soup! Masarap nga yan…
    paborito ko ang una :-)

    Tumpak!

  6. Tessa Says:

    Tom yum!!! Oooh…langhapin!! Hey, Toni! Kamusta na?

    Tessa!! I’m doing well. Happy new year!! Where are you writing now? Do you blog na? ;)

  7. komski Says:

    ayan, tom yum daw:P hehehe. yun yung sa nissin ah:D Grabem,a ng anghang nga siguro niya, oks ngayong uber lamig ang panahon.

    komskis last blog post..Buksan Mo!

    Tama! Malamig ang simoy ng hangin nung aming kinakain yan. Sarap!

  8. Eds Says:

    Wow! ang sarap naman ng sabaw na toh… magandang huwebes kaibigan..

    Edss last blog post..LP#40: RED

    Maligayang LP!

  9. julie Says:

    Ay type ko yan pareho :) The spicy one is good in de-clogging sniffles ;)

    Teka, aaakkk, tubig! :D

    julies last blog post..Pula = Katapangan

    Tama! Decongestant nga!

  10. carnation Says:

    sawasdee kah. tomyam kung at tomato soup!!! sarap! eto lahok ko – http://sweetcarnation.blogspot.com/2009/01/lp40-pula-red.html

    carnations last blog post..LP40: Pula (Red)

    Sawasdee kah! :D

  11. betchay Says:

    gaya ng hula ng mga nauna… tomyum at tomato soup…

    parehong delish! now i’m craving for tomyum na maraming hipon… hay!

    betchays last blog post..Litratong Pinoy: Pula

    Tama ang mga sagot :)

  12. purplesea Says:

    yung pangalawa tomato soup, yung una di ko alam akala ko sinigang… tinakam ako dun sa malalaking shrimps.

    Happy Thursday!

    Tom Yum ang una :D Happy LP!

  13. raqgold Says:

    tom yum kung at tomato sopas – sarap! penge na rin, hehe

    raqgolds last blog post..Get the kids ‘snow’ busy

    Korek parehas!

  14. jeniffer Says:

    tsarap! nagmumurang kamatis.. hehehe.. nahulaan ko din.. :)

    tumpak!

  15. Thess Says:

    talagang naliligo sa red curry ang tom yum goong na yan…hot hot hot! at syempre pa, masarap din ang tomato soup, pang winter pareho!

    Thesss last blog post..water flowing freely (LP 39)

    Sa litrato mukhang maanghang, pero hindi siya maanghang! :D Sobrang pula lang ano?

  16. pining Says:

    wow, mukhang masarap yan pareho, lalu na yung first one, I’m loving spicy foods :-)
    happy new year Toni!

    pinings last blog post..Pula

    Happy LP and new year Pining!

  17. Leah Says:

    di ko rin type maanghang pero mukhang masarap sya!

    salamat sa iyong dalaw, toni. :)

    Leahs last blog post..LP: Pula (Red)

    Masarap nga :) Happy LP!

  18. Cathee Says:

    ang unang litrato ng sabaw ay Tom Yum Gong…isa sa mga paboritong sabaw ko rin…sarap!
    ang ikalawa ay Gazpacho ata…tama ba? Hindi pa ako nakakatikim nito pero mukhang masarap!

    Cathees last blog post..Friendships….lost and found

    Tumpak sa una! Ngunit ang ikalawa ay Tomato Soup :)

  19. arlo/ishna Says:

    yung una tom yang… nakaka-tom jones

    yung next, “nagmumurang…” hmmmm…kamias? ba’t mapula?

    “nagmumurang…” palengkera? mura nang mura. ayan dumanak ang dugo kaya pula.

    weheheh, salamat sa pagbisita toni. sa wakas may reader pala akong totoong babae hehehe mwah!

    arlo/ishnas last blog post..For Now

    Hahahaha! Kakaloka ka!

  20. Jay Says:

    wow mukhang masrap yan ah :)

    eto aken lahok

    magandang araw ka-litratista :)
    Salamat sa pagbisita :)

    Jays last blog post..LP # 40: Pula (Red)

    Happy LP Jay!

  21. ian Says:

    sa totoo lang hindi ako mahilig sa maaanghang na pagkain. nakakatawa, una kong natikman yung tom yum (?) soup sa finland, nung sandali akong nag-aral doon at may pagkakataon na makipagkita sa kaibigan na based na doon. sa kanilang favorite thai restaurant kami nagkita at doon ako parang sinuntok sa anghang. pero syempre, happy-happy-han pa rin ako dapat sa aking kinain hahahahaha

    ians last blog post..Litratong Pinoy: PULA

    Naku! Buti nalang nakapaghappy-happy-han ka :D Sana ay hindi ka naluha sa anghang!

  22. mom2bradley Says:

    Oh my God! that looks sooo good!

    And it did taste good! They both did :D

  23. sassy mom Says:

    nagutom ata ako sa post mo. I just love shrimps kahit spicy pa yan.

    sassy moms last blog post..It’s back to work after a long holiday break

    Masarap talaga ang Tom Yum mmmmmm.

  24. jeanny Says:

    tom yum…I like that…spicy food rocks!!!!

    Yes!

  25. Munchkin Mommy Says:

    gusto rin namin ng aking kabiyak ang tom yum! mahilig kami sa maanghang. hindi pa yata ako nakakain ng tomato soup ever. hindi ba coounted ang spaghetti sauce? hee hee. :D

    happy new year, toni! all the best in 2009!

    Munchkin Mommys last blog post..LP #40: Pula (Red)

    Hahaha hindi counted yun :P Happy new year weng!

  26. Gmirage Says:

    Naku paborito ng anak ko ang sopas na kamatis (haha tinagalog!) kahit araw araw hindi nagsasawa! Shempre pa anghang to the nth power ang tom yum mo, ok lang ako sa mild, pag ganyan na para kay hubby na lang! HAppy LP at salamat sa pagbisita!

    Healthy naman yan kaya okay lang araw-arawin :D

  27. Kay Says:

    Indi e. Hehe … ano nga ba yan?

    Kays last blog post..peed on the potty !!!

    Tom Yum with prawns tsaka Tomato Soup :)

  28. ibyang Says:

    mahilig ako sa pula…kahit mga pulang pagkain at sabaw—kaya mahilig din ako sa “kamatis”soup :)

    ibyangs last blog post..Litratong Pinoy: Pula

    Paborito ko rin yan :D

  29. ces Says:

    labs ko rin yan! sarap! happy new year toni!:)

    cess last blog post..Litrato: Pula [red]

    happy lp!

  30. JO Says:

    mukhang masarap… paborito ko din ang shrimp.

    maligayang bagong taon sa iyo Toni.

    JOs last blog post..Litratong Pinoy: Pula

    Maligayang bagong tin din sa iyo Jo!

  31. paulalaflower Says:

    wow, tom yum! masarap nga yan!

    magandang araw kaLP!

    paulalaflowers last blog post..LP 01.08.2009: Pula

    magandang lp din sa iyo!

  32. Shuttercow Says:

    Ang ganda ng kulay ng sabaw. Parang ang sarap tikman!

    Shuttercows last blog post..Quiapo Scene

    Masarap sya talaga :)

  33. Cookie Says:

    Tom Yum!!

    Cookies last blog post..Monochrome Friday : Footsies in the Sand

    Korek ka dyan!

  34. Garando Says:

    TomYum! Maka punta nga sa Som’s this weekend. Na miss ko tuloy…

    Garandos last blog post..Garando’s Kawawang Trip to Batangas City – part 1

    Galing! Sa Som’s ko kinuha ang litrato ng Tom Yum na yan :-) )

  35. fortuitous faery Says:

    nagmumurang….sili? ahaha.

    sarap ng sabaw!

    Hahahaha!

  36. iRonnie Says:

    enjoy your tom yum! happy weekend!

    iRonnies last blog post..Litratong Pinoy: Pula

    Happy week!


Comments?


Enter Your Details:


courage


You may write the following basic XHTML Strict in your comments:
<a href="" title=""></a> <acronym title=""></acronym> <abbr title=""></abbr> <dfn title=""></dfn> <q></q>
<blockquote cite=""></blockquote> <cite></cite> <code></code> <kbd></kbd> <strong></strong> <em></em>

  • Your mature and responsible replies are greatly appreciated by all. Thank you.
Enter Your Comments:

CommentLuv badge