Ang kinagisnang mga ngiti sa may gate

Kinagisnan ko na ang lolo ko ang nagbubukas ng gate kapag bumibisita ako sa kanila. Sa mga pagkakataon na mamamasyal kami, ganito ang eksena. Magdo-doorbell ako, dadating ang lolo ko para buksan ang gate, at susundan sya ng aking lola. Laging malalaki ang ngiti nila kapag nakikita kami ng aking pamilya na bumibisita.
2003 nung kinuha ko ang litratong ito. Isang araw ito ng Setyembre, at sa may Manila Bay kami namasyal. Naglakad kami sa may Intramuros, pumasok ng WOW Philippines convention center, naglakad sa Baywalk nang pababa na ang araw, at naghapunan sa Aristocrat.
Napakasayang araw. Ngiti palang nung binuksan ang gate eh, napakaganda na diba? Excited nang mamasyal!
Ito ang aking lahok sa Litratong Pinoy ngayon na may temang “Kinagisnan.”
November 13th, 2008 at 5:03 pm
Masaya talaga kapag kasama ang mga lolo at lola
Spoiled kasi ang mga apo, hehehe…
julies last blog post..Kinagisnan
November 13th, 2008 at 5:57 pm
Hello, Toni. Ako rin mas gusto kong mamasyal na kasama ang mga lolo at lola kesa sa Papa at Mama ko. Palagi kasi nila akong nabibilhan ng kung ano’ng gusto ko
Salamat sa pag-silip mo sa lahok ko, akshuli perstaym ko dito sa bahay mo!
Sreisaats last blog post..Litratong Pinoy #16: Kinagisnan
November 13th, 2008 at 8:05 pm
namiss ko tuloy tatay ko kasi ganyan sya sa mga anak ko…kahit busy sya talagang sumasalubong sya sa mga anak ko tuwing dadating kami
Cookies last blog post..Speed Limits
November 13th, 2008 at 8:51 pm
There’s nothing more pleasurable than a welcoming smile, parang ang sweet at ang babait ng lolo at lola mo

I added you to my blogroll, hope you don’t mind
Happy weekend!
pinings last blog post..Kinagisnan
November 13th, 2008 at 8:58 pm
napakagandang alaala ito:)
maligayang LP sayo:)
monkeymonitor.blogspot.com
November 13th, 2008 at 10:22 pm
sounds like you have lots of fun with them.
very nice photo, btw. napaka-warm. happy LP.
paos last blog post..On companionship
November 13th, 2008 at 11:00 pm
ang sarap kapiling ang pamilya… na-miss ko tuloy ang pamilya ko.
Eto ang aking lahok. Salamat.
JOs last blog post..Litratong Pinoy: Kinagisnan
November 14th, 2008 at 5:25 am
awww memories with lolo and lola
na-miss ko tuloy ang lolo ko na sya ding sumasalubong sa akin tuwing uuwi ako mula sa paaralan noon.
ibyangs last blog post..A Different Kind Of Appreciation
November 14th, 2008 at 5:29 am
Ang sarap nga naman pag ganyang mga ngiti ang babati sa iyo. Mukhang ang babait ng lolo’t lola mo!!
Salamat sa pagdalaw sa LP ko!
November 14th, 2008 at 6:08 am
Ang mapagmahal na ngiti…wow! Ang ganda ng alala…Happy LP Toni, kahit late =D
G_mirages last blog post..Ruby Tuesday – Sleepyhead
November 14th, 2008 at 8:48 am
Nice smiles, who wouldn’t want to get inside the gate if they are smiling like that?
shengs last blog post..Love transcends all differences…
November 14th, 2008 at 9:50 am
Waaaahhh namiss ko bigla lolo ko
aLines last blog post..on dry eyes…
November 14th, 2008 at 11:30 am
Lovely picture… sweet !
Sidneys last blog post..
November 14th, 2008 at 12:14 pm
ang sayang pasyal naman nun…wow philippines tapos sa baywalk…brings back memories of my own.
fortuitous faerys last blog post..litratong pinoy#30:kinagisnan (heritage)
November 14th, 2008 at 3:05 pm
wow! ang saya nga naman bumisita kapag ganyan ang sasalubong sayo.
napakaamo ng mukha ng iyong lolo at lola.
blue roses last blog post..an experience at the not so "great eastern hotel"
November 14th, 2008 at 4:52 pm
wow amg sweet naman nila lolo’t lola
jays last blog post..Pinoy Street Food #4: Chicharon
November 15th, 2008 at 3:39 am
I miss my grand parents. Right now, yong paternal lolo ko na lang ang buhay
ninas last blog post..LP – Kinagisnan
November 15th, 2008 at 8:52 am
sarap kasama talaga ang ating mga lolo’t lola…masaya lagi ang mga apo.
sana po’y madalaw nyo din ang aking mga lahok sa: Reflexes at Living In Australia
RoseLLes last blog post..Elegance
November 17th, 2008 at 4:58 pm
wow! mukha ngang tuwang-tuwa sila pag nakikita ka
haaay, na-miss ko tuloy ang aking mga lolo at lola
November 17th, 2008 at 10:45 pm
ay! aristocrat at ang mga lolo and lola! swak na swak! hehe!
November 24th, 2008 at 4:50 pm
masarap talaga ang may lolo at lola — mas spoiled, hehehe. parehong pareho tayo ng lakwatsahan dati — may kasama pa ngang minsan na swimming sa manila bay, nung panahong hindi pa sya reclamation site, ang tagal na nun pero masarap syang balik balikan!
November 26th, 2008 at 2:59 pm
lahat yata talaga ng mga lolo’t lola ay gayon na lamang ang mga ngiti kapag dinadalaw ng kanilang mga apo. lumaki akong kasama sa bahay ang aking lolo at lola sa ina.
Munchkin Mommys last blog post..My Two Cents on Twilight