Jump to Content
Jump to Navigation



Sa pula, sa barya



Call me when you get there

Naaalala mo pa ba ang tunog ng tatlong bente singko
ting! ting! ting!
habang ito’y ipinapasok mo sa pulang telepono?
bilis! may nakapila sa likod mo!

Hindi de-pindot ang pagpasok ng numero
isang matagal na hintay
Daliri ba ang ginamit mo o yun dulo ng lapis?
lalo na kung may zero ang landline ng kausap mo

Patay! Nakain ang barya!
Hampas! Suntok! High kick! Wala pa rin
Hindi naman kasya ang piso!
Pulang halimaw! Nangangain ng baryaaaa!

Buti nalang may cell phone na.

Ito ang aking lahok sa Litratong Pinoy na may temang “Maalaala mo kaya?” Want the English translation?

In the red with coins

Do you remember the sound of three twenty-five centavos
ting! ting! ting!
while you drop them into that red telephone?
quickly now! there are more people in line!

You don’t press buttons to make a call
it’s all one long wait
Did you use a finger or the end of a pencil?
much longer when you friend’s number has a zero!

Oh no! The phone ate the change!
Slap! Punch! High kick! No dice
A one-peso coin won’t fit!
You’re a red monster!!! You ate all my coins!!!

Thank goodness we have cell phones now.

This is my entry to Litratong Pinoy, with the theme “Do you remember?

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

26 Responses to “Sa pula, sa barya”

  1. julie Says:

    Me kanta pa yang “tatlong bente singko lang ang aking kailangan…” di ba? :D

    Napaghahalata tuloy ang edad.

    Tama! Dingdong Avanzado! :P

  2. tanchi Says:

    oo nga…ito..di pa to pula dati..may black pa:)
    unti unti nang di nagagamit ito..dahil may cellphones na at kompyuter:)

    maligayang LP

    http://www.monkeymonitor.blogspot.com

    Korek! May black pa! At 6 digits lang ang telephone numbers non! :P

  3. kaiskeebeat Says:

    sige na ale, pahingi ng baryaaaa!! sige na please naman ale, miss na miss ko na sya-ha-ha-ha!

    Hahhahaha memorize mo kai ha!

  4. witsandnuts Says:

    Tatlong beinter singko ni Dingdong Avanzado. Nice photo. I like the clouds’ details. =)

    Thanks Wits! :)

  5. FickleMinded Says:

    wow! buti may nakita ka pang ganyan na litrato.

    FickleMindeds last blog post..LP#7:Maalala Mo Kaya? (Do You Remember?)

    Yup! I just took a picture of this last month! :) Saw it as I was riding past a construction site in Makati.

  6. sheng Says:

    Napapakanta tuloy ako ah, hehehhe…

    shengs last blog post..The Getaway (Part 2): Boracay Escapade

    Haha the ’80s rules!!!

  7. Linnor Says:

    Hi Toni! Ako nga naabutan ko pa yung 3 10-centavos para sa payphone na rotary pa yung pindutan. :D Grabe ancient na talaga me.

    Overflow
    Captured Moments

    Linnors last blog post..LP: Maalaala Mo Kaya?

    3 10-cents? :P Hindi ko na naabutan yon!

  8. Meikah Delid Says:

    Very nice, “maalala mo kaya?” entry! Yep, I still remember those days! hahaha

    Meikah Delids last blog post..Let’s Help The Children Get Off the Streets!

    Thanks Meikah!

  9. thess Says:

    Wow Toni, buti may photo ka nito, galing ha!!

    thesss last blog post..Maalaala mo kaya (LP 32)

    I saw the phone booth in one corner of Makati. I wonder if anyone uses it!

  10. Mitch Says:

    Galing naman! May litrato ka pa nyan?

    Nung Setyembre ko lang kinuha ang litratong ito! Isang lugar sa Makati. :) Nagulat nga ako at may ganitong klaseng stand pa rin!

  11. G_mirage Says:

    Natatandaan ko pa nga yun kanta ni dingdong, pero di ko naalala na ginamit ko ang pulang telepono =D

    Happy LP! Pati litrato nakaka-evoke ng alaala…lumang setting, galing!

    G_mirages last blog post..Litratong Pinoy – Maalala Mo Kaya

    Talaga? Hindi ka gumamit ng pulang telepono? Ang bata mo pa siguro! :D

  12. ian Says:

    lol sa makatotohanang pag-annotate sa emosyon ng isang nakainan ng barya =]

    ians last blog post..Litratong Pinoy (LP): MAALAALA MO KAYA?

    based on experience kasi! :P

  13. Weng Says:

    natatandaan ko pa ang mga panahong iyon! grade school ako noon. tapos naging digital na dipindot na. 2 pesos yata per tawag. buti na lang nga at may cellphone na. dami kasing germs ang public phones. :D

    Wengs last blog post..Litratong Pinoy #32: Maalaala Mo Kaya?

    Oo! Yun 2-peso coin machine, napaka-hi-tech na ng dating niya non diba? :D

  14. Dr. E Says:

    Beautiful photo, Toni. I particularly like the perspective you used.

    And as a bonus, you even treated us with a lovely poem.

    Thanks for making my Friday light and easy.

    Dr. Es last blog post..Remember When?

    Thanks Dr. E! I’m proud of that photo too. :D And the poem, haha!

  15. pining Says:

    naalala ko tuloy ang aking kapatid (who passed away in 2002) nung binata pa siya. Panay ang kupit sa tindahan ng aking nanay para sa tatlong bente singko, matawagan lang ang kanyang kasintahan… those were the days!
    happy weekend :-)

    Ang sweet naman ng iyong kapatid. :) Happy weekend!

  16. ibyang Says:

    oh my, naalala ko ang mga araw na gumagamit pa ako ng public phone sa school, tatawag sa bahay at tinatanong kung parating na ba ang sundo ko hehe.

    at nung college, parati ring ginagamit para mag-”page” sa special someone (pager pa lang nun!!!) hehe

    salamat sa pagdalaw :)

    ibyangs last blog post..Litratong Pinoy: Maalaala Mo Kaya?

    Haha! Ako tumatawag din para magpasundo. And yes, yun 2-peso coin phone machines naman para pam-page or pantawag sa boyfriend. Yeehee!

  17. spiCes Says:

    *palakpak* galing ng lahok mo toni…larawan, tula, ideya.

    spiCess last blog post..FF: fish nuggets sarciado

    Thank you Ces! :)

  18. lino Says:

    ganda ng shot ah… good job! :)

    linos last blog post..maalaala mo kaya…(can you remember?)

    Thank you Lino!

  19. sheilamarie Says:

    Toni, I remember this during my *coughs* high school days. Lol! There was a red phone inside the school campus I attended, so may mga nakapila na student always. Imagine, 3 bente-singko lamang na barya may pang tawag ka na?

    Lovely photo!

    sheilamaries last blog post..Our adventure in Manila Ocean Park

    Wala ka nang mabibili ng tatlong bente-singko ngayon eh ‘no!

    Thanks!

  20. Rach (Heart of Rachel) Says:

    Nice shot. It brought back memories. I remember those days. :)

    Thank you R!

  21. Shuttercow Says:

    Ang galing naman ng post mo! Lagi na ako bibisita dito.

    Kumusta po? Ito po ang lahok ko ngayong linggo.

    Salamat Shuttercow!

  22. Frances Says:

    The photo is lovely. Did you take it? :)

    Yes I did! With my cam phone!

  23. Pinky Says:

    Oo, tandang-tanda ko pa yan! Salamat sa pagpapaalaala! :)

    Noong kolehiyo na ako, e naging silver na sila tapos e dalwang piso na ata bawat tawag. Those were the days!

    Pinkys last blog post..SSS #131: Chilly, Nippy and Totally Cool

    Yes, the low-tech and simple days! :D

  24. nina Says:

    Natatanadaan ko yan pero dahil sa probinsya kami hindi ko sya naranasang gamitin. Ang inabutan ko sa Manila noong college ako – yong P2/call na PLDT pay phone na laging sira. Nangangain din ng barya at kailangan marami kang coins kung gusto mo makipagusap ng matagal. During that time, kapag ang classmate mo ay may pager sigurado laging naghahanap ng P2 pantawag dun sa nag page. May P2 pa na buo noon, yong may niyog sa likod :) hehehehehe Medyo related ang entry ko :)

    ninas last blog post..LP – Maalaala mo kaya?

    Ang galing! Oo nga may niyog sa likod! Naaliw naman ako at naalala mo pa! :)

  25. streetsmartchic Says:

    yes … i remember this day… kumusta naman, salamat we have mobile phone na … kaso nangangain rin ng load pa lima limang peso..Alam ng smart users yan.. hehehe..=)

    ______________________________________
    Busy-Bride-to-BE

    ah talaga! anu ba yan! kahit gano na tayo ka-hi-tech ngayon, may nangangain pa rin!

  26. Jules Says:

    kelan ba ko huling gumamit ng barya sa telepono… matagal na! yang kulay pulang telepono natatandaan ko kelangan katukin haha

    Juless last blog post..OMG

    maraming salamat sa pagdaan :)


Comments?


Enter Your Details:


relish


You may write the following basic XHTML Strict in your comments:
<a href="" title=""></a> <acronym title=""></acronym> <abbr title=""></abbr> <dfn title=""></dfn> <q></q>
<blockquote cite=""></blockquote> <cite></cite> <code></code> <kbd></kbd> <strong></strong> <em></em>

  • Your mature and responsible replies are greatly appreciated by all. Thank you.
Enter Your Comments:

CommentLuv badge