Jump to Content
Jump to Navigation


Maliwanagan



Litratong Pinoy: Liwanag

Gabi na, malapit na sa alas-diyes. Tahimik lang siyang nakaupo sa hagdanan, nakatingala sa daan, malayo ang iniisip.

Madilim. Napakadilim. Buti nalang may mga lampara sa kalsada.

Meron kaya siyang hinihintay? Darating kaya? O baka naman ang lalaking ito ang hinihintay. Napasarap lang ang pagmuni-muni sa gabi at ‘di nasundan ang oras.

Ano kaya ang kanyang kwento? Hindi ko siya kilala eh kaya di ko nalang tinanong. :P Kaya’t kinuhaan ko nalang siya ng litrato nang patago. Salamat sa kanya, mayroon akong isang litratong parang napakaraming kwento ang maiimbento. At sana’y kahit ano man ang kanyang iniisip nang gabing iyon ay naliwanagan na siya.

At ito na rin ang aking lahok sa Litratong Pinoy ngayong linggong ito. Ang tema ay “Liwanag.”

*****

Enlighted

It is evening, almost 10. He was quietly seated at the steps, staring at the road, his thoughts seemingly adrift.

The night was dark. Very dark. The streetlights were a comfort from the darkness.

Was he waiting for anyone? Would that person come? Or maybe someone is waiting for this man on the steps. He could have gotten lost in his daydreams and lost track of time.

I wonder what his story is. He was a stranger so I didn’t ask. :P I just sneakily took a picture of him instead. Thanks to him, I have a picture that can trigger a lot of storytelling. Whatever he was thinking that evening, I hope he has been enlightened.

This is my contribution to this week’s Litratong Pinoy, with the theme “Light.”


16 Responses to “Maliwanagan”

  1. Elaine Says:

    Marahil iniisip niya ang kanyang mga problema sa buhay. Yun naman ang madalas natin naiisip di ba? Dahil lahat ng tao di nawawalan ng problema.

    Salamat sa kanya at nakahabol ka para sa tema ng Liwanag. :)

    Elaines last blog post..Litratong Pinoy – Liwanag

    Tama ka dyan! Maligayang LP!

  2. Meeya Says:

    baka wala siyang pamasahe pauwi? :D buti na lang hindi mo tinanong baka nautangan ka pa, hehe.

    happy LP toni! :D

    Meeyas last blog post..LP30: Liwanag (Light)

    Nakakatawa ka talaga Mama Mee!!!

  3. spiCes Says:

    galing din bang ot yan? hehe! great take on the theme toni! sna nga naliwanagan na ang mamang iyan at sana nakauwi na sha sa ngayon! lol!

    Ako galing OT! Hehehe.

  4. Linnor Says:

    sana masaya ang kanilang pagtatagpo kung sino man ang hinihintay nya. :)

    Overflow
    Captured Moments

    Linnors last blog post..LP: Liwanag (Light)

    Sana nga, sana nga!

  5. Mitch Says:

    Baka basted? :D Joke!

    Mitchs last blog post..Litratong Pinoy : Liwanag

    Hahaha!

  6. Jay Says:

    inaantay si sundo :)

    eto aken lahok

    magandang araw ka-litratista :)
    Salamat sa pagbisita :)

    Jays last blog post..LP#30: Liwanag (Light)

    Maaari!

  7. JO Says:

    maligayang paglitrato.

    Eto ang aking lahok. Salamat.

    JOs last blog post..Litratong Pinoy: Liwanag

    ako’y dadaanan! maraming salamat.

  8. ibyang Says:

    naghihintay yan ng sundo o taxi hehehe.

    ang ganda ng pagkakuha mo ng litrato toni. :)

    eto naman ang aking lahok:
    http://awifescharmedlife.blogspot.com/2008/10/litratong-pinoy-liwanag-ng-kandila.html

    ibyangs last blog post..Pinoy Top Ten: 10 Paborito Kong Pagkaing Pinoy

    Maraming salamat Ibyang!

  9. Joy Says:

    Baka naman na-lock out sya sa apartment nya’t di na makapasok. late na kasi umuwi eh! Hehe…

    Maligayang araw!

    Joys last blog post..LP: Liwanag (Light)

    Haha! Nakakatawa at nakakaawa naman yan!

  10. marites1034 Says:

    sana iyong iniisip niya ay iyong nakakapagpagpagaan sa kanyang puso at isip. maligayang LP!

    marites1034s last blog post..MBS2 Epass and Update

    sana nga naman!

  11. Clicking Away Says:

    akala ko naman eh kilala mo siya… hinihintay ko na kung ano yung totoo niyang kwento… mukhang basa ang kalsada… umulan ba? baka naman kaya siya namumuni-muni.

    Clicking Aways last blog post..LP030 – Liwanag

    Tama ka dyan, umuulan. ‘Di ko sya kilala! Hehe.

  12. Rach (Heart of Rachel) Says:

    Sana dumating agad ang hinihintay nya at umuwi syang may ngiti sa mukha.

    Rach (Heart of Rachel)s last blog post..Photo Hunt :: Scary

    ang bait mo talaga rach! :)

  13. Jeanny Says:

    Me hinihintay nga…sino kya baka katipan nya hehehe…

    happy LP :)

    Jeannys last blog post..Dinner served for him

    Hindi ko na naabutan eh haha!

  14. Pinky Says:

    Nice “senti” shot, Toni :) Kulang na lang background music and perfect na siya for a Pinoy MTV – hahaha! :lol:

    Pinkys last blog post..SSS #128: Deja Vu

    Haha! Salamat!

  15. Dr Emer Says:

    Figuratively, the light represents hope for whatever is bothering him….
    I love your composition!

    How are you, Toni? :)

    Dr Emers last blog post..Dazzling !

    Eto Dr. E, pagoda ever. I miss the Berks!

    Thanks for the compliment!

  16. fortuitous faery Says:

    sana hindi siya inindyan! hehe :P

    fortuitous faerys last blog post..aldi’s graphics tablet

    LOL! Sana nga. Umalis ako nandun pa rin sya eh!


Comments?


Enter Your Details:


kindred


You may write the following basic XHTML Strict in your comments:
<a href="" title=""></a> <acronym title=""></acronym> <abbr title=""></abbr> <dfn title=""></dfn> <q></q>
<blockquote cite=""></blockquote> <cite></cite> <code></code> <kbd></kbd> <strong></strong> <em></em>

  • Your mature and responsible replies are greatly appreciated by all. Thank you.
Enter Your Comments:

CommentLuv Enabled