Ayokong matapos pa!

Kapag ganito kaganda ang langit, ayoko matapos ang araw.
Kapag ganito kakulay ang dapithapon, ayoko pa magsimula ang gabi.
Gusto ko lang itabi ang sasakyan, umupo sa gilid ng daan,
at ang mga kulay dilaw, kahel, lila ay pagmasdan, pagmasdan, pagmasdan.
Ayokong matapos pa!, aking iisipin.
Napakarami pang maaaring gawin habang may araw pa!
Ngunit ang gabi’y dahan-dahang sasalubungin ka, at
Unti-unting lalabas ang mga bituin.
Uupo nanaman ako sa gilid ng daan,
at ang mga kulay dilaw at puti ng mga tala ay pagmamasdan, pagmamasdan.
Ayokong matapos pa!, aking iisipin.
Ngunit ang loob ko’y unti-unting mahuhulog sa paglabas ng buwan.
Kapag ganito kaganda ang langit, ayokong matapos pa,
ang araw, ang gabi, ang pagtingala sa
kagandahan, karikitan ng kalangitan.

Ito ang aking lahok sa Litratong Pinoy na may temang: “Ayaw Ko!”
August 28th, 2008 at 11:50 pm
Masarap pagmasdan at mag-isip pag ganyan kagandang ang kalangitan.
Rach (Heart of Rachel)s last blog post..Yohanism #24
August 29th, 2008 at 7:22 am
ang ganda ng tula mo, very heartfelt.
pag ganyan din ang nakikita ko tuwing umuuwi ako, parang gusto kong itigil ang oras at pagmasdan lang muna ang kalangitan.
ibyangs last blog post..Litratong Pinoy: Ayaw Ko! (Reject)
August 29th, 2008 at 12:08 pm
Ang ganda nang tula. May mga tanawin na pag nakita natin, gusto nating tumigil muna sandali ang oras. =)
witsandnutss last blog post..The face behind the japanese hair
August 29th, 2008 at 12:11 pm
matatapos!
matatapos!
matatapos at matatapos din
mga kagila-gilalas na tanawin
kailangan, kaibigan
dalisay na layunin ng kalangitan
na gulatin ka
na pasayahin ka
na mithiin mo lagi na huwag matapos
ang walang hanggang kagandahan niya
Happy LP!
Dr Emers last blog post..Ayaw Na Ni Lola
August 29th, 2008 at 12:42 pm
ganda naman bb. Toni.
Tunay nga, na kaakit-akit pagmasdan
kung ganito kaganda ang iyong tatanawin.
Hirap at pagod ay mawawaglit,
mapapalitan ng tunay na ngiti
maligayang araw sa iyo.
Jeannys last blog post..Let’s go nuts
August 29th, 2008 at 12:53 pm
ang galing talaga dahil araw-araw ay iba ang masterpiece na matutunghayan mo sa kalangitan tuwing dapithapon.
fortuitous faerys last blog post..litratong pinoy#19:ayoko!
August 29th, 2008 at 4:37 pm
Gandang gabi hapon naman niyan. Nice pic Toni! I bought Twilight yesterday, I can’t close the book until i”m done!
shengs last blog post..Kadayawan Festival
August 29th, 2008 at 6:50 pm
napakagandang tula!! maganda ngang pagmasdan ang pagdating ng takip silim lalo na kung ganyan ang tanawin.
happy lp!
Cookies last blog post..Litratong Pinoy : Ayaw Ko!
August 29th, 2008 at 9:58 pm
ang ganda nga. pag ganyan ang itsura ng langit, gusto ko lang ilabas ang aking notepad at magsulat.
carol bustos-santiagos last blog post..meme
August 30th, 2008 at 1:21 am
Ang ganda naman…ng tula at ng larawan!
Happy Weekend!
August 30th, 2008 at 5:13 am
nakahusay ng pagkakasulat
tunay na inspirado
sana’y lahat mamulat
na ang ganda ay nasa lang paligid natin
kailangan lang magmatyag sa mundo
August 30th, 2008 at 8:07 am
ganda ng sky no? nice….
linos last blog post..kadayawan 2008…
August 30th, 2008 at 2:09 pm
wow toni, ang ganda ng letrato mo ng langit. ang galing ng mga kulay!
caryns last blog post..studying in japan (6): prepare!
August 30th, 2008 at 9:47 pm
ganda ng kulay! at wow din sa sinulat mo!!
happy wkend!
Mayets last blog post..Light in the sky
August 30th, 2008 at 11:26 pm
aaawww.. ang ganda naman ng tula at syempre ang larawan..
sarap talaga damahin ang mga hindi nabibili ng pera katulad ng kapaligiran
dyanies last blog post..Happy Birthday Mama!
September 1st, 2008 at 7:44 am
ang galing talaga ng lumikaha na mundo natin ano!? kay ganda talaga!
Reflexess last blog post..Name that Flower
September 1st, 2008 at 9:30 am
yan din ang oras na ayaw ko.. agaw ang liwanag at dilim
http://whenmomspeaks.com/2008/08/lp-ayaw/
kathycots last blog post..LP: Ayaw
September 2nd, 2008 at 6:38 am
ang husay ng iyong tula, toni!!!
ang galing din ng kuha, paborito kong tanawin ang paglubog ng araw!
odettes last blog post..cuatro tag
September 2nd, 2008 at 10:32 am
maganda, pero hindi ko alam..nalulungkot talaga ako kapag takip silim na…
cess last blog post..Weekend Snapshot: Back in New York
September 2nd, 2008 at 10:21 pm
ang ganda kasi ng sunset eh
Dyess last blog post..Past Time
September 4th, 2008 at 1:29 pm
ang ganda ng tula mo, toni! pramis!
ingat ka sa pagupu-upo sa tabi ng daan habang nakatingala sa kalangitan ha! hee hee.
Wengs last blog post..LP #23: Tanso (Copper)
September 4th, 2008 at 10:31 pm
wow bigla kong na-miss ang concrete road dividers sa pinas haha!
ganda talaga ng sunset no? fiery pero calming at the same time.
September 5th, 2008 at 8:59 am
amen sa lahat ng sinulat mo.ganyan rin ang pakiramdam ko pag naw-witness ko ang sunset…