Jump to Content
Jump to Navigation


Litratong Pinoy: Ako

Mahusay siyang tumugtog ng piano. Kaya naman ako’y nahilig sa musikong klasikal.

Mahilig siyang magbasa. Kaya naman ako’y napamahal sa libro.

Natutuwa siya sa paglikha ng mga kandila. Kaya naman pag brownout, wala akong inaalala na magiging nakakatakot ang dilim. Este, kaya naman ipinagpatuloy ko rin ang sarili kong paglilikha ng mga tula at istorya.

Maayos siyang manamit at magsalita na tila Maria Clara. Kaya naman ako lumaking medyo mahinhin din.

Matapang siya. Kaya naman lumaki akong may tapang din.

Mahaba ang kanyang pasensya. Hindi ko ito masyado namana. Konti lang.

Malaki ang kanyang puso at mapagmahal sa kapwa. At alam ko wala pang hihigit pa sa kanyang pagmamahal at pagiging mapagbigay.

Siya ang aking ina. Kaya naman hindi ako maging ako, kung hindi dahil sa kanya.

Ito ang aking lahok sa Litratong Pinoy. Ang tema para sa linggong ito ay “Ako (o parte ko.)”


26 Responses to “Litratong Pinoy: Ako”

  1. fortuitous faery Says:

    magandang tribute para sa iyong ina….at ang ganda niyong mag-ina!

    ang cute naman ng header graphic mo….:)

    fortuitous faerys last blog post..litratong pinoy#16:ako [o parte ko]

    Maraming salamat. :)

  2. komski kuno Says:

    Tama, hindi tayo magiging ganito kung hindi dahil sa nagpalaki sa atin at humubog sa ating personalidad at kakayahan:)

    komski kunos last blog post..Ikaw ay mananatiling parte ko.

    Tayo’y magpasalamat sa ating mga magulang!

  3. Dr Emer Says:

    Happy Mother’s Day to your mother! Mothers deserve all the tribute we can give them.

    You are a true clone of your mom. =)

    Dr Emers last blog post..I Never Leave Home Without It

    Parang nahuling Mother’s Day post ano? Hehe.

    And salamat Dr. E!

  4. jennyL Says:

    napakaganda naman ang pag describe mo sa iyo ina at ang iyong mga namana sa kanya. Happy LP!

    jennyLs last blog post..:LP: Ako, Meeh , Moahhh

    Totoo lahat yan! :D Maraming salamat.

  5. tin Says:

    mapa-ingles o tagalog, your writing rocks!! maraming magagandang katangian ka ngang nakuha sa iyong ina. kahit hindi na tayo nagkakilala ng personal, sa panulat mo pa lang kitang-kita na :)

    tins last blog post..[LP] Ako (O Ang Parte Ko)

    Nakakataba naman ng puso ito! Maraming salamat Tin. :)

  6. Elaine Says:

    Napakaganda ng iyong pagsusulat tungkol sa iyong ina. :)

    PS: glamurosa ang itsura ng iyong ina. mabuhay! :)

    Salamat! :) At natutuwa siya sa mga magagandang komento tungkol sa kanya. Maraming salamat daw!

  7. Pinay MegaMom Says:

    Alam na namin kung kanino ka nagmana ng iyong kariktan! Maligayang Martes!

    Pinay MegaMoms last blog post..Cheese Fondue in a Boule

    Uy, maraming salamat! :D

  8. jeanny Says:

    nanay mo…..kala ko kapatid mo…oo pramis.

    Happy LP Kapatid. Sama ka ba sa EB ng LP sa Sat?

    jeannys last blog post..Veronika decides to die

    Nope, di ako pupunta. :) Enjoy!

  9. ces Says:

    para nga kayong pinagbiyak na…ano nga ba…basta! you know what i mean:) hey, thanks for the greetings!

  10. Leah Says:

    Akala ko sister mo. Masuwerte ka nga. Tapang , galing atpb, minana mo.

    Leahs last blog post..EB at ROM

    Maraming salamat Leah.

  11. dang Says:

    very well said..err..written..ang ganda ng nanay mo!(at ikaw din)

    dangs last blog post..Malalim

    Maraming salamat mula sa aming dalawa :D

  12. Cookie Says:

    kaya naman pala napakaganda mo, toni. manang mana ka kay mommy :)

    Cookies last blog post..Litratong Pinoy : Ako (o Parte Ko)

    (blush blush)

    Salamat Cookie! :D

  13. JO Says:

    Toni, magkamukha kayo ng nanay mo. carbon-copy talaga. “,)

    JOs last blog post..Litratong Pinoy #9: Ako (o parte ko)

    :D Hehe thanks Jo!

  14. Reflexes Says:

    tama ang iyong lahok…ang sa akin parte ko ang aking mga anak. tayo naman ay parte ng ating mga ina (magulang). tayo’y mapalad.

    Reflexess last blog post..LP: Part of Me

    Mapalad nga! :)

  15. luna miranda Says:

    ang galing…dapat pala ang nanay ko na lang ang inilahok ko.:D

    Pwede ring ama! :D

  16. Mrs. G Says:

    You look like your mom! Ala Gwyneth Paltrow and Blythe Danner. Hehehe :)

    Mrs. Gs last blog post..Recipe: Corned Beef Sinigang

    Wow naman. :D Thank you.

  17. odette Says:

    ang sweet naman ng entry mo toni, and your mom is still svelte ha, what a looker i must say! :)

    odettes last blog post..the weekend

    She’s a pretty Mama, yes! She says thank you!

  18. yvelle Says:

    i totally agree. maligayang araw sa inyo ng iyong ina. :)

    http://biancaelyse-mylife.blogspot.com/2008/08/lp-19-ako-up-close-and-personal.html

    yvelles last blog post..LP # 19 Ako up-close and personal

    Maligayang LP sa iyo!

  19. lino Says:

    ui, mahilig din ako magpiano kaso kupas na ko…. happy LP… :)

    linos last blog post..Ako…(me)

    Uy! Sample naman! :D Happy LP!

  20. MommyBa Says:

    Ang pretty nyong 2 :)

    MommyBas last blog post..Questions of the Week 26

    Salamat MommyBa!

  21. celiaK Says:

    Oo nga naman Toni, ikaw ay reflection ng iyong ina.
    Kaya in a way, siya ay ikaw at ikaw siya.

    Kita naman eh like mother like daughter – beautiful. :)

    celiaKs last blog post..Italian Church In London

    Maraming salamat. :)

  22. dyanie Says:

    aaawww… how sweet of you tonigirl :)

    :D She’s a sweet mom too!

  23. arlene Says:

    beautiful words for beautiful mom from a beautiful daughter.

    beautiful entry! Happy LP!

    arlenes last blog post..LP – Ako (o parte ko)

    Many beautiful thanks!

  24. ibyang Says:

    ang sweet!!! :)

    ibyangs last blog post..Mr. and Mrs. Smiley’s Going on a Winter Adventure

    :D Maraming salamat!

  25. bem Says:

    uy! preteyey ng 2 nasa piktyur! ang ganda ng post na ito. naalala ko tuloy ang nanay ko :(

    btw, salamat sa bawat pagdaan sa aking munting tahanan at sa mga papuri sa bebe ko :D
    at isa pang btw, nakita ko ang buong pangalan mo sa isa mo pang blog, napaisip lang ako, hmmmn… hindi kaya malayong magkamag-anak ang dad mo at ang fil ko?

    have a nice weekend!

    bems last blog post..Dark

    Hmmm… malay mo! It’s a small world after all!

  26. Gracey Says:

    You’re both beautiful!
    Made me smile to see your mom wearing a cherry pendant necklace. :)

    Graceys last blog post..New Blanket – 10 August 2008

    Thanks Gracey! :) And the pendant is aptly worn because that is her name! Cherrie!


Comments?


Enter Your Details:


salad


You may write the following basic XHTML Strict in your comments:
<a href="" title=""></a> <acronym title=""></acronym> <abbr title=""></abbr> <dfn title=""></dfn> <q></q>
<blockquote cite=""></blockquote> <cite></cite> <code></code> <kbd></kbd> <strong></strong> <em></em>

  • Your mature and responsible replies are greatly appreciated by all. Thank you.
Enter Your Comments: