Jump to Content
Jump to Navigation



Kalayaan Ko: Hipon!



Kalayaan!

Hipon na niluto sa bawang at mantikilya… naku! Iniisip mo palang, parang nakakataas na ng presyon ‘no! Kaya naman bihira lang dapat ang pagkain nito. Mataas na kolesterol at sakit sa batok ang sasalubong sa iyo!

Ngunit pwede namang bumigay sa kapricho paminsan-minsan, lalo na kapag may selebrasyon. Sana lang hindi araw-araw ang mga pagdiriwang na ganito! Kahit panandalian lang ang iyong kalayaan, hindi ba’t napakasarap ng iyong pakiramdam?

Ito ang kalayaan sa pagkain ng hipong niluto sa bawang at mantikilya: Ang paggamit ng kamay sa pagtanggal ng balat. Ang pagsipsip sa laman. Ang pagkagat sa ulo. Ang pagpahid ng sarsa sa hipon. Ang matamis na lasa ng hipon, lalo na kung sariwa itong niluto. Ang pagdila sa mga daliring hinalikan ng hipon at sarsa.

Heto pa. Ang hindi pag-iisip sa kahit anong diyeta. Ang hindi pag-iisip sa kalungkutan na mararamdaman pagkatapos kumain. Ang hindi pag-iisip sa panghihinayang na darating.

Kalayaan din ‘yan diba, kahit panandalian lang? ;) Tandaan na dapat hinay-hinay lang at ‘wag abusuhin ang kalayaan na ito!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

29 Responses to “Kalayaan Ko: Hipon!”

  1. Junnie Says:

    Wala akong kalayaang kumain niyan dahil mangangati ako…ngunit bakit ko pagbibigyan…kakain pa rin ako at iinom ng Celestamine…tunay na malaya ngunit mag pait na mararamdaman…hindi bat yan ang tunay na kalayaan? laging may kapalit?

    Allergic ka pala! Hindi ko alam yon. Hinay-hinay lang!

  2. thess Says:

    Ang sarap naman ng kalayaan mo, Toni! Meron pa ba? (^0^)

    thesss last blog post..LP #11- Kalayaan

    Eto pa! *pinasa ang plato ng hipon sa iyo*

  3. Dr Emer Says:

    A healthy diet means you have certain days when you can eat whatever you want…even those sinful items. I love this recipe of yours. I might try it one of these days.

    Matutuwa ka siguro na malaman na yung bawang naman ay nakakapag-pababa ng kolesterol. ;)

    Yey! Salamat Doc!

  4. Gracey Says:

    Ang sarap nga! Bumili ako kahapon ng hipon sa palengke.
    Bihira lang ako kung kumain nito kasi ang mahal!

    Subukan mo ang ganitong pagluto! Ay hindi ko ito niluto ha, order namin ito sa Dampa!

  5. ces Says:

    ayos ito! kakaibang anggulo ng kalayaan! at masarap!

    Hindi ba’t parang may kalayaan kapag walang diyetang sinusundan? :P

  6. teys Says:

    ang saraaaap, gusto ko din nyan! medyo di ako malaya kasi di ako makapunta sa palengke para sa sariwa di ba- pangit naman kung sa supermarket bumili. :)

    sana nag-enjoy ka sa iyong hipon!

    happy lp!

    teyss last blog post..LP#11 – Kalayaan

    Super enjoy! :D Happy LP!

  7. dang Says:

    ohlalala…kasarap ng pagkain na ito..kung talagang malaya lang kainin ito, mas masarap sana! everything i guess should be in moderation. thanks for sharing this pic..nice..makes me hungry!

    Everything in moderation, pero itodo pa rin ang kasiyahan! Er… kaya ‘yan!

  8. Em Dy Says:

    Ang arap nyan. Lalo na kung mainit ang kanin, may kasamang barbecue at kinakamay.

    Em Dys last blog post..Singapore Skyline

    Woohoo! Panalo!

  9. Buge Says:

    Ang sarap! Nakakagutom!

    Happy LP! At maligyang araw ng kalayaan!

    http://www.bu-ge.com/2008/06/litratong-pinoy-kalayaan.html

    Masayang LP din sa iyo!

  10. odette Says:

    saraaap!!! :)

    ginutom ako, midnight snack time na!!!!

    odettes last blog post..keepin’ busy

    O tara, kain muna!

  11. pao Says:

    oh wow, napakasarap naman niyan! grabe. ewan ko ba kung bakit naging allergic pa ako sa seafood eh paborito ko ang mga yan. :( kaya kapag kakain ako ng hipon, alimasag, o pusit, may dala akong gamot parati. :)

    Awww hinay-hinay lang!

  12. witsandnuts Says:

    That’s part of our menu every week. Gladly seafoods here in Abu Dhabi are not so expensive compared to ‘Pinas. This is an apt entry for June 12. :)

    witsandnutss last blog post..What’s your cellphone’s radiation level?

    Oooh yummy for you!

  13. lino Says:

    wow! mukhang tsalap nyan ah… :)

    Tsalap talaga :D

  14. sheng Says:

    that’s my favorite! as in! makabili nga mamaya, hehehe… Gandang Araw!

    shengs last blog post..Warning! Allergic Reactions Appear

    Magandang araw din sa iyo Sheng!

  15. NONA Says:

    Talagang kalayaan! Ginutom mo ako sa lahok mo Toni haha! Tama ka paminsan minsan ay bigyan natin ng kalayaan ang mga kapricho…nakakalaway ang larawan. hehe..

    NONAs last blog post..LP # 11-Kalayaan

    Maraming salamat sa pagbisita! :D Kain tayo!

  16. julie Says:

    Gusto ko ang kalayaan na yan :)

    Kahit paminsan-minsan lang diba! :D

  17. mousey Says:

    ito ang ibang klaseng kalayaan na dapat namnamin ng todo! dahil paminsan-minsan lang napagbibigyan ang kapricho.

    Korek! Dahil panandalian lang, itodo na ang pag-enjoy!

  18. emoterang nurse Says:

    kumalam ang aking sikmura pag kakita sa mga hipon na ito…
    naalala ko tuloy na laging nagluluto ang ate kong ng ganito nung nag leave sya sa work…ngaun di na sya nagluluto dhil busy sya….
    sarap nito grabeh!!!kahit na puro kolesterol ayos lang masarap naman!!!

    emoterang nurses last blog post..LP # 11 Kalayaan

    Korek! Okay lang naman kung paminsan-minsan ang pagkain ng kaprichong ito.:D

  19. iska Says:

    hahaha! kakatuwa naman ang kalayaan post mo :-) mabuti at ako ay may kalayaang kumain ng hipon hehehe wala namang masama kung once or 2x a month ang hipong ganyang kasarap!

    iskas last blog post..LP#11: Pato Mang May Layang Lumipad…

    Panandaliang kalayaan. :P Masarap pa rin!

  20. christine Says:

    naku! paborito ni habiduds yan! lam mo subukan mong gumamit ng hoisin sauce, masarap rin! :)

    Strawberrygurl: LP11 Kalayaan
    BusyMom: LP1 Kalayaan

    christines last blog post..LP 11: Kalayaan (Freedom)

    Salamat sa tip, Tin!

  21. Meeya Says:

    sino ba ang hindi may paborito sa ganitong luto ng hipon. :) kapag ito ang ulam namin, panigurado hayblad kami kinabukasan, hehe! sana talaga malaya tayong makakain ng mga ganitong putahe ano? kaya lang iba na talaga pag tumatanda, dami nang bawal. :) happy lp, toni! :)

    MyMemes: LP Kalayaan
    MyFinds: LP Kalayaan

    Maswerte talaga ang kabataan sa ganitong klaseng kalayaan! ;)

  22. Willa Says:

    wow! my favorite,kakagutom….

    Willas last blog post..PH#8 – Emotions

    Let’s eat!

  23. Iris Says:

    galing ng entry mo tony, ang sarap! :) at nakakatawa ang dami pala sating allergic sa seafood. ako rin kasi medyo allergic sa malansang seafood. pero minsan lang naman eh. may antihistamine naman. hehe! at sa tingin ko nga, hindi sasarap ang pagkain niyan kung hindi kakamayin…

    Iriss last blog post..Palayain mo ako [LP]

    Salamat Iris! :D O, hinay-hinay lang sa hipon!

  24. Clicking Away Says:

    Ang sarap naman ng entry mo… seriously, natatakam na ako masyado. mahilig pa naman ako sa hipon. yum. ang sarap din kumain niyan kapag kinakamay (at nasa beach)… hehehe!

    happy lp!

    Clicking Aways last blog post..LP011 – Kalayaan

    “At nasa beach” – tama ka dyan!

  25. alpha Says:

    ang sarap naman nyan. nakakagutom..

    alphas last blog post..London.

    Gusto mo? :D

  26. Jerome aka Bridget Says:

    ansarap!!!! my peborit!!!

    Jerome aka Bridgets last blog post..LP No. 11: Kalayaan

    Bridget! Aymisyu!!!!

  27. Marites Says:

    nakakalaway na klaseng kalayaan. ngunit, tama ka:)

    Kainan na!

  28. Weng Says:

    paborito ko ang hipon! masaya na ako sa inasnan lang na hipon at pinasingaw na may honey o sa sprite/7-up. :D

    Wengs last blog post..Father’s Day

    Uy parang okay yang ideya na may honey ha!

  29. JO Says:

    paborito ko din yan!

    JOs last blog post..The next 5 days!

    Sarap no!


Comments?


Enter Your Details:


viva


You may write the following basic XHTML Strict in your comments:
<a href="" title=""></a> <acronym title=""></acronym> <abbr title=""></abbr> <dfn title=""></dfn> <q></q>
<blockquote cite=""></blockquote> <cite></cite> <code></code> <kbd></kbd> <strong></strong> <em></em>

  • Your mature and responsible replies are greatly appreciated by all. Thank you.
Enter Your Comments:

CommentLuv badge