Jump to Content
Jump to Navigation


Magandang Umaga!

French Toast with Apples

Gising na! Oras na para mag-almusal!

Good morning!

Masarap ang French Toast. Mmmmm. Madali lang din itong gawin.

Kumuha ka ng itlog at ito’y ibiyak sa isang mangkok. Batihin ng mabuti. Haluan mo ito ng isang tasa ng gatas. (Tama lang ang timpla na ito para sa anim na piraso ng tinapay.) Pagkatapos ay haluan naman ng 1/4 kutsarita ng kanela (cinnamon). Ang bango ng kanela ‘no?

O, kunin mo na ang tinapay (Tasty bread kung tawagin natin). Ilublob mo ang isang pirasong tinapay sa itinimplang gatas at itlog. Kung gusto mong gawing tatsulok ang tinapay tulad ng nasa larawan, edi hatiin mo lang nang pahiwas ito.

Sa isang mainit na kawali, itunaw ang isang kutsarang mantikilya. Mmmmm, bango ‘no? Dito mo itosta ang tinapay. Bantayan mo ha, baka masunog. Sayang naman.

Kapag nakatosta ka na ng marami, ilagay mo na ito sa plato. Ang bango talaga! Masarap itong sabayan ng pulot o kaya naman ay Welch’s Grape Jelly. Pwede rin ang Strawberry Jam na galing sa Good Shepherd sa Baguio. O kaya Lady’s Choice Guava Jelly. Mmmmm. Masarap din ito sabayan ng prutas tulad ng mansanas, saging o matamis na sintones.

Please pass the jelly!

Ang sama ko ba mag-Tagalog? Pasensya na ha! Nagpatulong na nga ako dito eh. Hayaan mo, masarap naman itong French Toast ko. (Hahahaha, non-sequitur ba. Dedma ever!) Gusto ko lang subukan magsulat sa Tagalog.

Bangon na at baka maubusan ka pa ng almusal. Magandang umaga, kaibigan!


11 Responses to “Magandang Umaga!”

  1. JO Says:

    good morning toni!

  2. Daphne Says:

    Uyyy sarap naman. Maya’t maya siguro, it is still early for breakfast but thanks!
    I love French toast … deliciously yummy :)

  3. jhie Says:

    wow sarap ng breakfast mo toni.me naman restday kc ng asawa ko i cook garlic rice and sunnysideup at tiriyaki chiken lng para madali lng

  4. Mauie Flores Says:

    ayun, alam ko na ang missing ingredient sa french toast ko…. cinnamon! :)

  5. DanieL Says:

    ang sarap naman…natawa lang ako sa translation ng cinnamon (kanela) at sintones. ano yun?

    it’s my first time to see a recipe for french toast that needs cinnamon. though i’d like to try that next time. i also like putting some sugar on the batter. it’s almost 6pm now but i feel like making french toast when i get home.

    =)

  6. ces Says:

    magandang umaga toni!
    katawa ko mag-tagalog! hahahaha! kaka-gawa ko lang nito kanina..isang bersyon(ngek ang hirap nga! TNT [basa:]tawan ng tawa) ano beh! simple lang…walang gatas walang itlog…tinapay, mantikilya..prito..tapos maple syrup[pano ba itoh!] prito ulit! sarap! at madali lang…turo ng mister ko! haaay…hirap!magtagalog!

  7. iska Says:

    hi toni! yang french toast na yan ginanawa ko din turo sa kin ni A… paborito pa ni Cean :D

  8. pinayhekmi Says:

    Need to make this soon. Yummy-looking!

  9. Mita Says:

    ano ang sintones?! habang binabasa ko ang sinulat mo, naalala ko yung naririnig namin sa radyo sa school bus namin tuwing tanghaling sinusundo kami. ito yung programa sa Tagalog para sa mga misis na puro resipe at pagluluto…

  10. jher Says:

    napakatakaw mo talaga antonia. lol :-)

  11. eye Says:

    hahaha! ngayon ko lang nalaman na kanela pala ang tagalog ng cinnamon. ano naman yung sintones sa ingles? ang hirap nga mag-post ng tagalog, gusto kong ito ang gawing theme ko sa blog pero nahihirapan ako :D


Comments?


Enter Your Details:


question


You may write the following basic XHTML Strict in your comments:
<a href="" title=""></a> <acronym title=""></acronym> <abbr title=""></abbr> <dfn title=""></dfn> <q></q>
<blockquote cite=""></blockquote> <cite></cite> <code></code> <kbd></kbd> <strong></strong> <em></em>

  • Your mature and responsible replies are greatly appreciated by all. Thank you.
Enter Your Comments:

CommentLuv Enabled